--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinagawa ng Police Regional Office (PRO2) ang 2nd Joint Anti-bank Robbery and Cyber Crime Coordinating Committee (JABRACCC) Meeting para mapalakas ang kampanya laban sa robbery incident sa mga bangko sa ikalawang rehiyon.

Sa ginanap na pulong sa PRO2 Conference Room ay nagsagawa ng presentasyon ang mga provincial at city deputy director for operations sa revalidation ng mga security guard na sumailalim sa Comprehensive Bank Armour Security Training Course (CBASTC).

Inatasan ang mga pinuno ng mga himpilan ng pulisya lalo na sa Cagayan na regular na magsagawa ng pagbisita sa mga bangko at magkaroon ng mahigpit na ugnayan sa mga may-ari ng mga bangko para mahadlangan ang anumang panloloob sa mga bangko.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtCol Chivalier Iringan, chief ng Regional Information Office ng PRO2, sinabi niya na layunin ng pagpupulong na magkaroon ng mahigpit na ugnayan at pagtutulungan ang pulisya at mga may-ari ng bangko.

--Ads--

Iginiit niya na mabuting magkaroon ang lahat ng mga bangko ng CCTV camera at magkaroon ng training ang mga guwardiya.

Sa ginanap na 2nd JABRACCC 2019 na pinangunahan ni PBGen John Cornelius Jambora, OIC ng PRO2 ay iprinisinta rin ni PLtCol Haroun Pagador, deputy director for operations ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang update report sa nangyaring panloloob noon sa Metrobank.