--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang ginagawang validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 katuwang ang kanilang tanggapan sa mga lalawigan, lunsod at bayan sa mga senior citizen na benepisaryo ng Social Pension program ng pamahalaan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD region 2, sinabi niya na halos matapos na ang kanilang validation na nasa 97 percent na.

Aniya, bahagi ng validation ang panayam sa mga lolo at lola na nauna nang naitala na benepisaryo ng programa upang matiyak na sila ay lehitimo.

Humingi ng pang-unawa si Ginoong Trinidad sa mga senior citizen na kuwapikadong tumanggap ng social pension dahil sa pagkaantala ng kanilang kapakinabangan.

--Ads--

Ipinaliwanag niya na mandato ng kanilang tanggapan na magsagawa ng malawakang validation alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking makikinabang sa social pension ang mga karapat-dapat na senior citizen lalo na ang mga kabilang sa mahihirap na pamilya.

Sa talaan ng DSWD region 2 ay mahigit 200,000 ang mga social pensioner sa ikalawang rehiyon.

Naunang inihayag ni Ginoong Trinidad na kada semester o dalawang beses isang taon na ang payout ng social pension ng mga senior citizen kaya aabot sa 3,000 ang kanilang matatanggap kada anim na buwan.

Ang tinig ni Mr. Chester Trinidad