--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive law on firearms and Ammunition Act ) matapos masamsaman ng mga baril Purok 3, Brgy Rang-ayan, Angadanan, Isabela.

Ang suspek ay si Felipe Aguilar Jr, nasa wastong taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng nasabi ring lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng Angadanan Police Station at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company ang search warrant na inilabas ni Judge Reymundo Aumentado ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Cauayan City sa bahay ni Aguilar.

Nagresulta sa pagkakasamsam ng mga otoridad sa isang rifle grenade, isang Cal. 8mm pistol na walang serial number, isang magazine ng Cal. 8mm na may 7 bala.

--Ads--