--Ads--

CAUAYAN CITY– Naaresto ng mga otoridad ang dalawang estudiyante sa Bambang, Nueva Vizcaya na ikinukonsidera ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcemnet Agency (PDEA) na high value target.

Ang dalawang dinakip sa anti-illegal drug operation ay sina Jayson Chua, 24 anyos, sumasailalim sa Alternative Learning System (ALS), residente ng San Antonio North, Bambang, Nueva Vizcaya at si John Patrick Asprer, 21 anyos, binata, estudyante, tricycle driver at residente ng Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt Samuel Lopez, hepe ng Bambang Police Station, sinabi niya na ang dalawa ay matagal na sa listahan ng PNP at PDEA.

Ayon kay P/Capt. Lopez, ang operasyon nina Chua at Asprer ay buong lalawigan ng Nueva Vizcaya.

--Ads--

Sa kanilang isinagawang drug buy-bust operation ay nakuha sa pag-iingat ni Chua ang isang sachet na may nakapaloob na 5 maliliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at Php 500 buy-bust money.

Sinabi pa ni PCpt Lopez na ang dalawang nadakip ay maituturing na bigtime drug personality na hinihinalang miyembro ng isang drug group.

Ang tinig ni PCpt. Samuel Lopez