--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasanayin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) region 2 ang mga magsasaka na nagtatanim ng palay.

Nakapaloob sa Rice Tarrification Law na ang 70% ng taripa na malilikom mula sa pag-angkat ng bigas ay ilalaan sa pagsasanay ng mga magsasaka.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Demetrio Anduyan, Acting Regional Director ng TESDA region 2, sinabi niya na pinulong ang mga ahensiya may kinalaman sa nasabing batas para talakayin ang mga nakapaloob dito.

Layunin nito na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga magsasaka sa pagtatanim para de kalidad at mas marami ang kanilang produksiyon ng palay.

--Ads--

Samantala, nais ni Ginoong Anduyan na ipatupad ang Masaganang Lambak ng Cagayan Program na hango sa Masaganang Isabela Program para matiyak na may sapat na makakain sa bawat hapag-kainan sa ikalawang rehiyon.

Ngayong 2019, 700 million ang pondo sa pagsasanay ng mga magsasaka sa buong bansa.

Sa Isabela ay may nakalaan na 70 million para sa pagsasanay ng mga magsasaka.

Ipatutupad ang pagsasanay sa TESDA Accredited Farm Schools at Agricultural Training Site.

Kasama ang mga Local Government Units sa pagtukoy sa mga sasanaying magsasaka.

Ang tinig ni Acting TESDA Regional Director Demetrio Anduyan