--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang estudyante habang sugatan ang 2 pang kasamahan sa salpukan ng sinakyang motorsiklo sa tricycle sa Santiago City.

Ang namatay ay ang backrider na si Saeev Manuel, 14 anyos habang nagtamo ng mga galos sa katawan ang tsuper ng motorsiklo na si Johnrick Galema, 17 anyos at isa pang backrider na si Trishtan Domingo,19 anyos,pawang residente ng Cabulay,Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Lt. Col. Melchor Areola, Chief ng Traffic Group at tagapagsalita ng Santiago City Police Office na ang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima ay tinangkang mag-overtake sa kanang bahagi ng daan ngunit biglang nawala sa control ng manibela si Galema.

Dahil sa nerbiyos ay tumalon mula sa motorsiklo ang backrider na si Manuel sanhi para mabagok ang ulo sa sementadong daan sa barangay Cabulay.

--Ads--
Tinig ni PLt. Col. Melchor Areola

Sumalpok din ang motorsiklo sa kasalubong na tricycle na minamaneho ni Nathaniel Pillen, 57 anyos ,may-asawa at residente ng Cabulay, Santiago City.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima ngunit binawian ng buhay si Manuel dahil sa tindi ng pagkakabagok ng ulo sa sementadong kalsada.