--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawang service firearms ng dalawang pulis ang naagaw ng mga rebelde na nag-take over sa checkpoint ng DENR AT LGU Ilagan City sa Sitio Laguis, Sindon Bayabo, Ilagan City.

Naharang ng mga rebelde sa nasabing checkpoint ang dalawanng pulis na sina PMSgt Jun Luis Baribad at PCpl. Bryan Balisi na kapwa kasapi ng PNP Divilacan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Capt. Francisco Dayag, hepe ng Divilacan Police Station na magdadala sana ang dalawang pulis ng kanilang report sa kanilang Panlalawigang tanggapan sa Ilagan City ngunit noong napadaan sila sa checkpoint ng DENR ay nagulat sila sa presensiya ng mga rebelde at dito sila kinapkapan at kinuha ang kanilang 2 Gloc 9mm service firearms.

Umaabot anya sa 25 armadong NPA ang nag-take over sa nasabing checkpoint.

--Ads--
Tinig ni P/Capt. Francisco Dayag

Samantala, inako naman ng Reynaldo Piñon Command-NPA ang ginawang harassment sa Checkpoint ng DENR at LGU Ilagan kung saan naharang nila ang 2 pulis na kasapi ng PNP Divilacan.

Naglatag na ng blocking force ang tropa ng pamahalaan sa bayan ng San Mariano at Lungsod ng Ilagan para sa posibleng pagkakaaresto ng mga rebelde.