--Ads--

CAUAYAN CITY– Patay ang isang construction worker matapos na malunod sa isang resort sa Del Pilar, Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay si Noel Duron, 45 anyos, biyudo tubong Makabiso, Sultan Mastura, Maguindanao.

Batay sa pagsisisyasat ng Cabatuan police station, ang biktima kasama ang iba pa ay nagtungo sa nasabing resort at nagkaroon sila ng inuman.

Lumangoy umano ang biktima sa swimming pool sa kasagsagan ng malakas na ulan.

--Ads--

Batay sa pahayag ng mga kasama ni Duron, nakita na lamang nila na palutang-lutang na ang biktima sa swimming pool.

Agad naman siyang sinagip ng kanyang mga kasama at dinala sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.