--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakaburol ngayon sa Gov. Faustino N. Dy Multi-Purpose Center ng San Mateo, Isabela ang bangkay ng pinaslang na si dating board member Napoleon “Nap” Hernandez para sa public viewing at necrological service na dinaluhan ni Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III.

Emosyonal si Vice Governor Dy sa kanyang eulogy dahil malapit sa kanya at kanyang pamilya si Hernandez.

Ini-anunsiyo rin ng bise gobernador ang paglalaan ng Php 500 million na reward money para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para madakip ang mga salarin at utak sa krimen.

Ang tinig ni Vice Gov. Bojie Dy

Bukod kay Vice Gov. Dy ay nagbigay din ng eulogy si Mayor Gregorio Pua, ilan pang matataas na opisyal ng pamahalaang panlalawigan at mga malalapit kay dating Liga ng mga Barangay Federation President Nap Hernandez.

--Ads--

Magtatagal hanggang mamayang gabi ang public viewing para mabigyan ng pagkakataon ang lahat na masilayan ang kanyang labi sa huling pagkakataon.

Mamamayang alas tres ng hapon ay ang mga kawani ng pamahalaang lokal ng San Mateo ang makikiisa sa public viewing.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Bambi Corpuz, sinabi niya na isa siya sa mga natulungan ni Ginoong Hernandez dahil kabilang siya sa unang batch ng mga nagtapos sa reflexology massage ng TESDA Region 2.

Ang tinig ni Bambi Corpuz

Bukas ay ihahatid na sa huling hatungan ang bangkay ni Hernandez sa Public Cemetery sa Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Dakong alas otso ng umaga ay isasagawa ang burial mass sa Roman Catholic Church sa Barangay 1, San Mateo.