CAUAYANCITY – Natagpuan ang naaagnas na bangkay ng hindi pa kilalang babae sa Brgy Kirang, Aritao, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Master Sergeant Allan Galmasco, imbestigador ng Aritao Police Station kanyang sinabi na natagpuan ang naturang bangkay sa pamamagitan ng grupo ng Aritao Bikers dahil sa masangsang na amoy.
sa pagtugon ng PNP Aritao ay nakitang tinalian ng piraso ng damit ang leeg at kamay ng bangkay ng babae at may tama ng bala ng baril sa ulo, dibdib at paa.
Nakasuot ng itim na t-shirt at gray na shorts ang biktima.
Narecover ng PNP Aritao at Crime Laboratory ang isang pares ng tsinelas at dalawang fired shell ng Cal. 9mm.
Sa ngayon ay blangko pa ang pulisya sa kung ano ang motibo sa pagpaslang sa biktima na hinihinalang hinabol at doon binaril nang maabutan.
Nakalagak ngayon ang bangkay ng babae sa Carbonel funeral home sa Aritao, Nueva Vizcaya habang nagpapatuloy ang isinasagawang pagsisiyasat pangunahin na ang pagkakakilanlan nito





