--Ads--

CAUAYAN CITY– Tatlo tao patay habang lima ang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa mga bayan ng Cordon at Echague, Isabela .

Dalawa ang patay,dalawa rin ang nasugatan sa banggaan ng bus,tricycle at motorsiklo sa Taringsing, Cordon, isabela.

Patay ang tsuper ng tricycle na si Marconi Ramos, apatnapu’t walong taong gulang, residente ng Brgy San Antonio, Diffun Quirino at pasahero nito at pasahero nitong hindi pa nakikilala.

Habang sugatan naman ang tsuper ng motorsiklo na si Arwel Alpecho, 25 anyos, mag-aaral at angkas nito na si Diana Rose Canlas, 24 anyos, self employed kapwa residente ng Brgy Dubinan West, Santiago City

--Ads--

Ang tsuper ng bus ay si Christopher Aggarao, 40 anyos at residente ng Lunsod ng Ilagan.

Batay sa paunang pagsisisyasat ng pulisya binabagtas ng pampasaherong bus ang national highway patungong Tuguegarao City ng makarating sa pinangyarihan ng aksidente partikular sa harapan ng isang Videoke bar ay nabangga nito ang tumawid na Honda TMX 155 tricycle na minamaneho ni Marconi Ramos.

Habang ang isa ring motorsiklo na minamaneho ni Alpacheco ay paparating sanhi para mabangga rin nito ang tricycle.

Samantala, patay din ang negosyanteng si Manuel Cutaran, 57 anyos, residente ng Sinabbaran, Echague,Isabela makaraang bumangga sa motorsiklo ang sinasakyang tricycle sa pagitan ng ng Brgy Pagasa at Narra, Echague, Isabela

Sugatan ang kanyang pahero ni Cutaran na sina sina John David Caduan , 10 anyos, mag-aaral.

Sugatan at si . Alberto Capisio , may asawa, isang tricycle driver pawang residente ng Brgy sinabbaran, Echague, Isabela.

Sugatan din ang tsuper ng motorsiklo na si Marcial Cutaran, magsasaka , residente ng Madadamian, Echague, Isabela.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga biktima kung saan idineklarang dead on arrival si Cutaran ng kanyang attending Physician.

Lumalabas sa paunang pagsisiyasat ng Echague Police Station na bumabagtas ang tricycle sa kalurang bahagi ng linya ng kalsada patungong Pag-asa Echague Isabela ng makarating sa pinagyarihan ng aksidente ay nabangga nito ang paparating na motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay dumausdos pa ng humugit kumulang sampong metro ang motorsiklo mula sa tricycle.

Dinala sa pangangalaga ng Echague Police station ang dalawang sasakyan na nagtamo ng hindi pa matukoy na halaga ng pinsala.