--Ads--

CAUAYAN CITY –- Inatasan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Batanes ang mga Municipal Disaster Risk Reduction Offices na maghanda na sa maaaring paghagupit ng bagyong Falcon sa kanilang lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay, inihayag ni PDRRM Officer Cesar Roldan Esdicul ng Batanes, sinabi na simula kaninang umaga ay may mga residente na nagtatali nang bubungan ng kanila-kanilang bahay.

Aniya pinalawig din nila ang pagkansela sa byahe ng mga bangka patungong ibang Isla bukas dahil sa nararamdamang epekto ng bagyo sa alon ng dagat.

Tinig ni PDRRM Officer Cesar Esdicul ng Batanes

Ramdam na rin nila umano ang hanging at pag-ulan sa Batanes kaya naman idineploy na nila ang mga heavy equipment sa mga bayan na may landslide prone areas.

--Ads--