--Ads--
CAUAYAN CITY – Inamin ng Police Regional Office (PRO2) na may mga nagsasamantala sa ilang nag-aaplay na maging pulis.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Col Chivalier Iringan, ang spokesman ng PRO2, sinabi niya na natuklasan nila na may isang aplikante ang nagpanggap na pulis at humingi ng pera sa isang aplikante para sa pagpasok sa Philippine National Police (PNP).
Aniya, libre ang pagpasok sa pagka-pulis at kailangan lamang maipasa ang examination at iba pang requirements at proseso.
Hinikayat ni PLt Col ang mga police applicants na isumbong sa kanila kung may humihingi ng pera o anumang konsiderasyon para makapasok sa PNP dahil nakahanda silang imbestigahan at patawan ng parusa ang mga mapapatunayang nagsasamantala.
--Ads--