--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatulong nang malaki sa mga tanim na palay at mais sa Isabela at Cagayan ang ulan na dala ng bagyong Falcon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Narciso Edillo ng Department of Agriculture (DA) region 2 na biyaya sa mga magsasaka na nagtanim ng mais ang ulan na dala ng bagyo dahil nailigtas sa tuluyang pagkalanta ang kanilang mga pananim.

Nakatulong din ang ulan sa mga tanim na palay na walang irigasyon at umaasa sa tubig-ulan at deepwell.

Gayunman, may nalubog sa tubig baha ngunit hindi naman napinsala na tanim mais na nasa vegetative stage at nasa mababang lugar sa Lasam, Gattaran, Allacapan at Lallo, Cagayan.

--Ads--

Ayon kay Regional Director Edillo, sa Batanes ay nagreport ang kanilang staff doon na walang pinsala ang bagyo sa mga pananim dahil hindi malakas ang hangin at ulan.

Nakatulong aniya ang ulan sa mga tanim na gulay ng mga magsasaka sa Batanes.