--Ads--

CAUAYAN CITY– Umabot na sa labing limang milyong piso ang pinsala sa inprastraktura sa lalawigan ng Isabela dahil sa bagyong Falcon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Basilio Dumlao, Officer In Charge ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC Isabela sinabi niya na sa isinagawa nilang pagpupulong ngayong araw ay napag-usapan nila ang kanilang mga post tracking activities tungkol sa bagyong Falcon gayundin din ang naging dulot ng bagyo sa lalawigan.

Aniya, napag alaman nilang walang nasirang mga bahay, mga hayop, mga pananim at palaisdaan sa lalawigan.

Tinig ni OIC PDRRM Officer Basilio Dumlao

Ang ulat lamang umano ng 2nd Engineering District tungkol sa pagkasira ng approach ng Minanga Bridge sa San Mariano Isabela ang malaki ang napinsala na nagkakahalaga ng labinlimang milyong piso.

--Ads--