--Ads--

CAUAYAN CITY– Nakatakdang sampahan na ng kaso ng pulisya ang isang kawani ng ng Department of Social Welfare and Development Cabaroguis na nadakip sa isang drug buy bust operation sa Pinaripad Norte, Aglipay Quirino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Capt. William Agpalza, hepe ng Aglipay Police Station, sinabi niya na sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng PDEA region 2, Aglipay Police Station at Police Intelligence Branch ng Quirino Police Provincial Office ay nadakip si Reynald Ortega, 40 anyos, may-asawa, at residente ng nabanggit na lugar.

Anya nadakip si Ortega sa mismong bahay sa nito sa Pinaripad Norte kung saan nasamsam ang isang supot ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, heat sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P/10,000.00 ang mga nasamsam na pinatuyong dahon ng marijuanan at P/5,000.00 naman ang nasamsam na shabu.

--Ads--

Batay sa kanilang pagsisiyasat ay napag-alaman na nag-ooperate si Ortega sa Diffun,Cabaruguis,Madela sa Quirino at Jones, Isabela maging sa Santiago City.

Tinig ni PCapt. Agpalza

Nalulungkot naman ang pulisya dahil sa kabila na si Ortega ay facilitator ng reformation and rehabilitation ng community based rehabilitation program (CBRP) sa Quirino ay sangkot pa rin sa droga.