--Ads--

CAUAYAN CITY – Natuwa ang isang kongresista sa Isabela na author ng panukalang batas na ipagpaliban ang Barangay at SK Elections sa kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na gawing prayoridad ang pagpapaliban sa eleksion.

Nais ng Pangulo na ipagpaliban sa October 2022 ang Barangay at SK elections na nakatakda sanang idaos sa Mayo 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Congressman Faustino “Inno” Dy V ng 6th district ng Isabela, dating President ng Liga ng mga Barangay National Federation na maraming barangay kapitan at SK Federation officals ang nagpadala ng text messages sa kanya at nagpasalamat kay Pangulong Duterte sa kahilingan sa Kongreso na ipagpaliban ang halalan.

Ang panukalang batas sa pagpapaliban ng Barangay at SK election ay inihain sa Kamara ni Cong. Dy noong July 1, 2019.

--Ads--

Marami aniyang rason kung bakit kailangang ipagpaliban ang halalan.

Una, halos 2 taon lang ang termino ng mga barangay at SK officials kung sa Mayo 2020 isasagawa ang halalan.

Bilyong piso aniya ang naging puhunan ng pamahalaan sa pagsailalim sa training at seminar ng mga barangay at SK officials kaya sayang ang kanilang mga natutunan kung mapapalitan sila kapag idaos ang halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Congressman Inno Dy, ang bilyong pisong pondo na gagamitin sa halalan ay puwedeng ilaan na lamang sa mga proyekto at programa sa mga barangay

Tiniyak ni Dy na aktibo siyang makikibahagi sa mga Committee hearing at deliberasyon sa plenaryo sa panukalang ipagpaliban ang Barangay at SK elections.

Inamin ni Cong. Dy na may mga opisyal ng barangay at SK na hindi ginagawa nang tama ang kanilang trabaho ngunit mas nakakarami pa rin ang mahusay na ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang ganti sa ibinigay na tiwala sa kanila ng kanilang mga kabarangay.

Ang tinig ni Cong. Inno Dy