CAUAYAN CITY – Minamadali na ng Department of Social Welfare and Developtment (DSWD) region 2 ang pagbibigay ng emergency shelter assistance sa mga biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Chester Trinidad, administrative officer ng DSWD region 2 sinabi niya na kabuuang 266 ang naitalang damaged houses, 185 ang totally damaged habang 81 ang partially damaged.
Mabibigyan ng 30,000 ang mga may-ari ng mga totally damaged houses habang 10,000 para sa mga partialy damaged houses.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa National Housing authority (NHA) at sa Office of Civil Defense (OCD) para sa augmentation team sa pagbibigay ng karagdagang tulong sa mga biktima ng Lindol.
Tuluy-tuloy ang pagdating ng tulong tulad ng mga pagkain, inuming tubig at iba pang pangangailangan ng mga residente ng Itbayat mula sa pamahalaan at iba pang sector.