--Ads--

CAUAYAN CITY – Agad na nagpalabas ng manifesto ng pagtutol ang Philreca Partylist matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang prangkisa ng Solar para sa Bayan, isang technology firm na pag-aari ng anak ni dating senador Loren Legarda.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Philreca Partylist Representative Presley De Jesus na kukuwestiyunin nila sa Korte Suprema ang constitutionality ng nilagdaang prangkisa sa pagsusuplay ng solar energy ng Solar para sa Bayan firm.

Sinabi ni de Jesus na nangangamba siya na maraming electric cooperative sa bansa ang posibleng patayin ng technology firm.

Sa araw aniya ng Lunes ay magsusumite sila ng petisyon sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang constitutionality ng paglagda ni Pangulong Duterte sa prangkisa ng Solar para sa bayan.

--Ads--

Naniniwala sila na monopolyo ang gagawin ng Solar para sa Bayan na generation, transmission, distribution at supply na ipinagbabawal ng Saligang Batas.

Ang tinig ni Partylist Representative Presley de Jesus