--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang pahinate matapos sumabog at magliyab ang harapang gulong ng isang oil tanker sa Minante Uno, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Roy Castro na patungo sila ng San Mariano para magkarga ng ethanol nang mapansing umuusok ang harapang gulong ng minamanehong oil tanker .

Habang tinitingnan ito ng pahinanteng si Roldan Carlos, residente Malolos, Bulacan ay bigla na lamang sumabog ang gulong na nagresulta ng pagkasugat ng nabanggit na pahinante dinala sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Agad namang naapula ng BFP-Cauayan ang apoy.

--Ads--

Samantala, nagtamo ng 2nd degree burn ang isang ginang at nasunog ang kanyang tindahan matapos magliyab ang depektibong tangke ng LPG sa Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Kaagad isinugod ang biktimang si Rosalinda Cabaldo, may-ari ng sari-sari store at retailer ng LPG sa San Mariano Medicare and Community Hospital

Tinig ni G. Roy Castro, drayber ng oil tanker

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni SFO3 Jaymar Domingo ng BFP San Mariano na mayroong bumili ng sigarilyo sa tindahan ng biktima at nang sindihan ay biglang nagliyab ang tangke.

Sinubukan pa umano ng biktima na isara ang pressure relief bulb ng LPG pero dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nasunog ang ilang bahagi ng kaniyang katawan partikular sa kaniyang kamay, paa at mukha.

Kaagad naming dinala sa ospital ang biktima para malapatan ng lunas.

Tinig ni SFO3 Jaymar Domingo ng BFP San Mariano

Nasunog din ang ilang bahagi ng sari sari store kung saan tumugon ang mga kasapi ng BFP San Mariano upang apulain ang apoy.