CAUAYAN CITY – Umabot na sa 19 na barangay sa nasasakupan ng 5th Infantry Division ang nagdeklarang persona non-grata ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa kanilang lugar.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sgt. Jake Francisco ng 86th Infantry Battalion Philippine Army, sinabi niya na sa tinaguriang Jones, Echague, San Guillermo, San Agustin at Angadanan o JESSA Complex ay umabot na sa siyam na barangay ang nagdeklara ng persona non-grata sa mga CPP-NPA.
Kabilang dito ang Dicamay 1, 2 at Sta. Isabel sa bayan ng Jones, ang San Miguel, Benguet at Babaran sa bayan Echague, San Francisco Sur sa bayan ng San Guillermo at Palacian sa bayan ng San Agustin Isabela.
Kabilang pa sa kanilang nasasakupan na nagdeklara ng persona non-grata sa mga NPA sa kanilang lugar ay ang barangay La Conwap, Nagtipunan Quirino, at Quezon, Nueva Vizcaya.
Ayon pa kay Sgt. Francisco, sa 19 na barangay ay mayroon silang mga isinasagawang sustainable program.
Nakapagsagawa na sila ng medical mission sa Babaran, Echague at San Francisco Sur, San Guillermo, Isabela at nagsagawa sila ng symposium security awareness sa La Conwap, Nagtipunan Quirino.