--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa otopsiya ang bangkay ng isang barbero na nagpakamatay dahil umano sa alitan sa ilang kamag-anak sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang nagpakamatay ay si Eclito Dominguez, 35 anyos at residente sa nabanggit na lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sinabi ni PCapt Jolie Villar, OIC Chief of Police ng Bayombong Police Station na ipinabatid ng live-in partner ni Dominguez ang kanyang pagkamatay.

Bago umano nagpakamatay si Dominguez ay nagkaroon siya ng hindi pagkakaunawaan sa ilang kamag-anak dahil dinibdib niya ang paggiba sa bahagi ng tinitirhang bahay.

--Ads--

Kinaumagahan ay nakita na lamang na nakabitin si Dominguez sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi pa ni PCapt Villar na napag-alaman nila na si Dominguez ay may kaso noon na paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children na isinampa ng kaniyang legal na asawa kaya maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit siya nagpakamatay.

Hiniling naman ng legal na asawa na ipa-awtopsiya ang katawan ni Dominguez para malaman ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ang tinig ni PCapt Jolie Villar