--Ads--

CAUAYAN CITY– Dalawampu’t apat na kabataan sa Isabela ang kakatawan sa Pilipinas sa 8th Asia Pacific Youth Basketball Cup sa Singapore sa Oct 21-27, 2019.

Dalawang koponan ng Team Naspi na binubuo ng 12 players bawat team ang lalahok sa Under15 at Under 17.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mr. Roy Agtonton, head coach ng Team Naspi na sila ang kakatawan sa Pilipinas sa nasabing international sporting event.

Ang 24 na players mula sa mga bayan ng Jones, Aurora at Santiago City ay sumasailalim sa mahigpit na pagsasanay dahil tiyak na magagaling ang kanilang mga makakalaban.

--Ads--

Ang 8th Asia Pacific Youth Basketball Cup ay lalahukan ng mga player ng mga bansa sa Asya na kinabibilangan ng Pilipinas, Thailand, Malaysia, Singapore, Indonesia, China, Hongkong at Taiwan bukod pa sa Estados Unidos, Australia at Dubai.

Samantala, nanawagan si head coach Agtonton sa mga nais tumulong sa mga kabataang player para magkaroon sila ng sapat na pondo dahil nakadepende sila ngayon sa kanilang mga kakilala at kaanak.

Wala silang mga sponsors para matustusan ang kanilang mga kailangan sa paglahok sa 8th Asia Pacific Youth Basketball Cup sa Singapore.

Ang tinig ni Head coach Roy Agtonton