--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumuko ang mag-asawang opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Minanga, San Mariano, Isabela matapos isilbi sa kanila ng mga pulis ang mandamiento de aresto na inilabas ng korte dahil sa kanilang patung-patong na kaso

Ang mag-asawang NPA na sina Ka Jerome, 40 anyos, supply officer at team leader ng Reynaldo Pinion Command sa San Mariano, Isabela at si Ka Barbi, 30 anyos, residente ng Ilagan City, medical officer ay sumuko makaraang isilbi ang mandamiyento de aresto laban kay Ka Jerome.

Ang magkasanib na puwersa ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) Tracker team at Intelligence Operatives katuwang ang mga kasapi ng 95th Infantry Battalion Philippine Army ay isinilbi ang mga warrant of arrest na ipinalabas ng magkakaibang hukuman laban kay Ka Jerome.

Siya ay sinampahan sa tatlong magkakahiwalay na korte ng kasong 3 counts ng murder, robbery, multiple attempted murder, 2 counts ng direct assault.

--Ads--

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, halos isang taon nang bumaba sa bundok ang mag-asawa dahil mayroon na silang isang anak at sa kasalukuyan ay buntis sa Ka Barbi.

Walang inirekomendang piyansa sa mga kinakaharap na kaso ni Ka Jerome maliban sa kasong two counts ng direct assault na Php 72,000.