--Ads--

CAUAYAN CITY – Inamin ng Benito Tesorio Command New People’s Army (NPA) ang pagsunog sa libu-libong board feet ng mga nilagareng kahoy nas hinarang sa pagitan ng Gilingan, Benito Soliven Isabela at Dicamay, San Mariano Isabela.

Sa kanilang statement na ipinadala sa Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng NPA na naglatag sila ng checkpoint at hinarang ang mga truck na may lulan na nilagareng kahoy.

Bilang parusa umano sa mga iligal na namumutol ng mga punong kahoy ay kanilang sinunog ang mga nilagareng kahoy.

Umaabot sa 11,000 board feet ng mga nilagareng kahoy ang naharang ng mga rebelde noong August 29 at 31 sa pagitan ng Gilingan, Benito Soliven Isabela at Dicamay, San Mariano Isabela at nagmula umano sa iba’t ibang bahagi ng Sierra Madre.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col. Gladius Calilan, Commanding Officer ng 95th Infantry Battalion Philippinme Army na batay sa kanilang imbestigasyon, dalawang beses na nagsunog ang mga rebelde ng mga nilagareng kahoy na pag-aari ng magkaibang tao.

Tumugon aniya ang mga sundalo sa pangyayari at natagpuan ang mga sunog nang kahoy.

Sinabi ni Lt. Col. Calilan na nagtataka sila dahil sa tinagal ng panahon ay ngayon lamang nagsunog ng mga nilagareng kahoy ang mga miyembro ng NPA.

Naniniwala siya na malamang na maaaring may hinihingi ang mga rebelde sa mga biktimang tag- barangay Dicamay, San Mariano na hindi napagbigyan kaya hinarang at sinunog ang mga nilagareng kahoy.

Ang tinig ni Lt. Col. Gladius Calilan