--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang bigyan ng Pagkilala ng Philippine National Police (PNP) at ng Malakanyang ang isang kasapi ng Cauayan City Police Station na lumahok sa World Police and Fire Games sa bansang China.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Patrolman Randolph Maraggun ng Cauayan City Police Station sinabi niya na inaayos pa lamang ang schedule sa Malakanyang gayundin sa Camp Crame kung kailan gaganapin ang pagbibigay ng parangal sa kanila.

Aniya, siya lamang ang kasali dito region 2 sa mga mabibigyan ng parangal.

Masayang masaya aniya siya dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na maranasan niya ito.

--Ads--

Ayon pa kay patrolman Maraggun, isang daan at walumpu’t dalawa silang lahat na miyembro ng pulisya dito sa bansa ang sumabak sa nasabing patimpalak at mahigit limampo lamang silang nakakuha ng medalya kaya sila lamang din ang mabibigyan ng parangal.

Tinig ni PPatrolman Randolf Maraggun

Matatandaan na nauna na siyang nabigyan ng pagkilala dito sa lalawigan matapos makasungkit ng bronze medal sa sinalihan niyang event na karate minus 75 black belt 35 years old below.