CAUAYAN CITY – Dalawa ang namatay kabilang ang isang pulis sa naganap na pagtugis ng mga kasapi ng Ramon Poilce Station sa mga nanghold-up sa secretary ng isang bahay kalakal sa Tugugerao City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, matapos makatanggap ng flash alarm ang Ramon Police Station kaugnay sa naganap na panghohold-up ng mga sakay ng pulang Toyota Innova na may plakang YOU 778 at patungo dito sa Isabela ay agad silang naglatag ng checkpoint sa barangay Bugallion Norte, Ramon.
Namataan ng mga kasapi ng Ramon Police Station ang getaway vehicle ng mga suspek ngunit sa halip na huminto sa checkpoint ay pinaharurot ang kanilang sasakyan.
Tinugis ng mga pulis ang mga holdaper kung saan nagkaroon engkuwentro na nagresulta sa pagkadakip nina Jayson Saringan, 29 anyos, may-asawa at Edmar De Castro , 32 anyos habang namatay sa engkuwentro ang isa nilang kasama na nakilala lamang sa pangalang Cris at nakatakas ang isa pa nilang kasamahan.
Nasugatan din si PStaff Sgt. Richard Gumarang na agad dinala sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay
Nakuha sa loob ng sasakyan ng mga pinaghihinalaan ang isang M16 Armalite rifle na may serial number 973985
Nauna rito, ay hinoldap ng mga suspek si Lorena Carag, 45 anyos, dalaga, secretary ng RPF construction at residente ng Centro Solana, Cagayan sa parking area ng St.Peter Metropolitan Cathedral, Tuguegarao City
Tinangay umano ng mga suspek ang kanyang bag na naglalaman ng humigit-kumulang sampong libong pisong cash, cellphone, ATM at IDs.