--Ads--

CAUAYAN  CITY –  Isang aktor mula sa bayan ng San Mariano, Isabela ang unti-unting nakikilala sa larangan ng showbiz.

Si Roven Alejandro, 40 anyos at tubong Zone 2, San Mariano, Isabela ay kasama sa pelikulang Culion  na kinunan ng mga eksena sa Culion, Palawan at pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz, Iza Calzado, Jasmine Curtis kasama ang marami pang artista.

Naging papel niya sa pelikula ang isang biktima rin ng sakit na  leprosy at tagabigay ng  mga supplies na dinadala ng mga barko na dumadaong sa bayan ng Culion.

Lumabas na rin si Alejandro sa  mga short films sa Spain.

--Ads--

Ang aktor ay nagtapos ng elementarya sa San Mariano Central School,  high school sa St. Ferdinand College sa Lunsod ng Ilagan at nagtapos ng Bachelor of Arts in European Languages major in Spanish, minor in French sa University of the Philippines (UP) sa Diliman, Quezon City.

Siya ay nagturo sa Spain ng English, Spanish at French  ng mga kumukuha ng foreign service para maging diplomat.

Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas ay nag-audition siya sa isang tv series at gumanap na isang doktor.

Ang teleserye ay pinagbidahan nina Jericho Rosales, Sam Milby ay Yam Concepcion at naging guest na siya sa Pepito Manaloto.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Alejandro na kung maibabalik lang panahon ay gusto sana niya ang kursong may kaugnayan sa theater arts.

Pinayuhan niya angmga kabataan na magiging totoo sa sarili at determinado sa pagkamit ng nais ng kanilang puso.

Napatunayan din niya na hindi lang magandang mukha kundi passion, talino, galing sa pag-arte at mahabang pasensiya ang  mga puhunan para makapasok sa showbiz.

Kailangan ang pagiging matiisin dahil kahit maliit lang ang role ay mahabang panahon ang hihintayin bago makunan ng eksena.

Kung minsan aniya ay inaabot ng 24 na oras ang taping at shooting sa pelikula.

Ang tinig ng aktor na si Roven Alejandro