--Ads--

CAUAYAN CITY   – Tinanghal na 2019  Most Business-Friendly Local Government Unit (LGU) ang Cauayan City sa buong Pilipinas sa ginanap na 45th Philippine Business Conference and Expo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernard Dy, sinabi niya na labis silang nagagalak dahil sila ang tinanghal na Most Business-friendly LGU sa buong Pilipinas.

Gaganapin ang paggawad ng parangal sa October 17, 2019   at si Pangulong Rodrigo Duterte ang magbibigay ng award.

Ayon kay Mayor Dy, malaki itong oportunidad dahil ito ang magiging tulay para mas lalo pang mapansin ng mga negosyante ang Lunsod ng Cauayan na magdudulot din ng ibayong pag-angat ang ekonomiya nito.

--Ads--

Ang pangunahing mabibiyayaan dito ay ang mga mamamayan lalo na ang mga nagtapos ng kurso dahil hindi na nila kailangang magtungo sa malayong lugar para maghanap ng trabaho.

Sinabi pa ni Mayor Dy na  mula nang magsimula ang nasabing paligsahan noong 2014 ay hanggang finalist lamang ang Lunsod ng Cauayan kaya labis silang nagpapasalamat dahil sa taong ito nakuha na ng LGU ang top 1.

Ang tinig ni Mayor Bernard Dy

Ayon pa kay Mayor Bernard Dy, sa Oktubre 17, 2019 ay napili rin ang lunsod na magprisinta ng best practices nito sa Sustainable City Summit na gaganapin sa Metro Manila.

Samantala, naging finalist ang Lungsod ng Ilagan para sa Most Business-Friendly LGU 2019 mula sa mahigit 100 na nagtunggali sa nasabing award.