CAUAYAN CITY– Inaasahang malulutas na at maisusulong ang karapatan ng Pilipinas sa usapin kaugnay sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea ngayon at nagretiro na si Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Ngayong araw October 26, 2019 epektibo ang pagreretiro ni Senior associate Justice Antonio Carpio.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo “Egon” Cayosa national President ng Integrated Bar of the Philippines, sinabi niya na mas magiging malaya na si Senior Associate Justice Carpio na maisulong ang pagkapanalo ng pilipinas sa Arbitral tribunal ruling sa west phiilippine sea sa mas mapayapang pamamaraan na naaayon sa international law.
Aniya umaasa siya na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Legislative at Excecutive branch ng pamahalaan ay mapapangalagaan ang patrimony, territory at kinabukasan ng nakararaming pilipino.
Iminungkahi naman ni Atty Cayosa na makipag-ugnayan sa mga bansang Thailand, Malaysia at Singapore na may kaparehong suliranin kaugnay sa soberenya at teritoryo na inaangkin ng china.
Makakatulong rin aniya ang pagsasagawa ng mga joint projects katuwang ang pamahalaan ng China sa mga pinaaagawang isla sa west philippine sea upang mapakinabangan ng bansa ang mga yaman at mineral na taglay ng mga isla.











