--Ads--

CAUAYAN CITY – Hiniling ng pamunuan ng Department of Agriculture (DA) region 2 sa mga nag-aalaga ng manok gayundin sa mga nagtitinda sa mga pamilihan na huwag samantalahin ang papalapit na holiday season para itaas ang presyo ng manok.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2, sinabi niya na kinausap na nila ang mga backyard at commercial poultries sa rehiyon na sana huwag samantalahin ang papalapit na holiday season para itaas ang presyo ng manok sa merkado.

Naiintindihan nila na tuwing sasapit pasko ay malaki angdemand subalit kung minsan ay nagiging dahilan din ito para magkulang ang suplay.

Ayon kay Regional Director Edillo, walang pumasok sa rehiyon na malalakas na bagyo at walang nasira na poultry at mga pananim na mais gayundin na hindi rin masyadong tumaas ang pagkain ng mga manok kaya walang dahilan para itaas ang presyo ng karne ng manok.

--Ads--

Aniya, makikipag-ugnayan sila sa Department of Trade and Industry (DTI) region 2 para i-monitor ang presyo ng manok sa rehiyon.

Ayon pa kay Ginoong Edillo, ang mapapatunayan nilang  backyard at commercial poultries na masyadong mataas ang bentahan ng mga alagang manok sa merkado ay hindi na papayagang marenew ang permit.

Ang tinig ni Regional Director Narcisco Edillo