--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto at sasampahan ng kasong rape in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang isang Indian National na inakusahan na gumahasa sa dalagitang nililigawan sa Solano, Nueva Vizcaya.  

Ang suspek ay si NAVA KISHORE, 21 anyos at nakatira sa inuupahang apartment sa Solano, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay isang 14 anyos  na dalagita at high school student, residente rin sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng Solano Police Station na dahil halos 12 oras na hindi nakauwi ang dalagita ay nagpanggap na siya ay kinidnap dahil sa takot na pagalitan ng kanyang mga magulang.

--Ads--

Noong Sabado, Oktubre 26, 2019  ay nag-chat umano ang suspek na magkita sila sa loob ng kanyang apartment.

Tumanggi ang dalagita kaya nag-chat ulit ang suspek na magkita sila sa labas kaya sumakay sila ng van at namasyal sila sa kabayanan ng Solano.

Pag-uwi nila ay dumiretso ang dalawa sa apartment ng Indian national at doon umano nangyari ang panggagahasa sa biktima.

Pinainum siya umano ng beer pagkatapos ay nakatulog ang dalagita.

Hindi na siya umano nakapalag sa panggagahasa sa kanya ng suspek dahil nahihilo siya.

Tumugon ang mga pulis sa sumbong sa kanila at inaresto sa tinitirhang apartment ang Indian national.

Inamin din ng dalagita  na dahil sa takot na mapagalitan ng mga magulang ay nagpanggap na siya ay kinidnap.

Nang magising siya umano  dakong 11:00 ng umaga noong October 26, 2019 at wala sa apartment ang suspek ay itinali niya ang sarili at kinunan ng larawan at ipinadala sa group chat nilang magkakamag-anak.