--Ads--

CAUAYAN CITY  – Sumuko sa Cabagan Police Station ang kapatid ng magsasakang number 10 most wanted provincial level na napatay ng mga pulis matapos manlaban nang silbihan ng warrant of arrest.

Ang kusang sumuko ay si Giorgi Garro, kapatid na napatay na si Antonio Garro, magsasaka at kapwa residente ng San Antonio, Cabagan, Isabela na idinawit din sa pagpatay kay Kagawad Balisi ng San Antonio, Cabagan, Isabela.

Bukod sa magkapatid na Garro ay nadawit din sa nasabing krimen ang kanilang bayaw na si Aldrin Pastolero.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj Noel Magbitang, hepe ng Cabagan Police Station na matapos mabaril at mapatay si Antonio Garro nang manlaban sa mga operating troops na magsisilbi sana ng warrant of arrest ay pinuntahan niya ang barangay kapitan ng San Antonio, Cabagan at hiniling na himukin si Giorgi Garro na sumuko dahil mayroon siyang mandamiyento de aresto.

--Ads--

Magugunitang noong hapon ng Martes ay nagtungo ang operating troops sa bahay ni Antonio Garro para silbihan ng warrant of arrest ngunit nanlaban kaya siya napatay sa pakikipagpalitan ng putok sa mga pulis.

Nakumpiska sa bahay ng  akusado ang  dalawang mataas na uri ng baril, mga magazine at maraming bala ng M16, at 9mm.

Ang tinig ni PMajor Noel Magbitang