--Ads--
CAUAYAN CITY – Palaisipan pa rin sa pamilya ng isang forest ranger kung papaano nalunod sa ilog Cagayan sa Cabagan, Isabela.
Ang biktima ay si Gng. Cecilia Aggabao, 56 anyos, Forest Ranger ng CENRO Cabagan, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Bb. Ramby Aggabao na hinihinalang nahulog sa hagdanan ng riverside ang kanyang ina.
Anya nakita ang tsinelas at flashlights sa baba ng hagdanan ng riverside.
--Ads--
Hindi anya nila malaman kung bakit nasa river banks ang kanyang ina madaling araw noong unang araw ng Nobyembre.
Sa paghahanap ng mga rescue team ng Cabagan at Rescue 831 ng provl. gov’t. ng Isabela ay nakita ang bangkay ng kanyang ina sa Nassiping,Gattaran, Cagayan.











