
CAUAYAN CITY – Patay na nang matagpuan ang isang senior citizen na magsasaka na unang inireport sa pulisya na dinukot ng apat na armadong lalaki sa Ballacayu, San Pablo, Isabela.
Ang biktima ay si Nehemias Beran, 63 anyos tatlong taong gulang, residente rin sa nasabing lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provicial Office, nagtungo sa San Pablo Police Station ang anak ni Beran na si Nichelle Pavon agriculture technician upang iulat ang pagdukot sa kanyang ama ng apat armadong lalaki na nakasuot ng bonete at isinakay sa puting L300 van.
Dakong 10:45 ng gabi noong November 3, 2019 nang makatanggap ng tawag ang mga pulis kaugnay ng isang lalaking nakahandusay sa gilid ng daan.
Natagpuan nila sa lugar ang bangkay ng biktima malapit sa isang junkshop .
Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng PNP para matukoy ang mga salarin at malaman ang motibo sa krimen.










