
CAUAYAN CITY – Nakatakdang magsagawa ang Kamara ng public hearing sa pag-amyenda ng Saligang Batas sa Isabela sa November 19, 2019.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Congressman Antonio “TonyPet” Albano ng unang distrito ng Isabela, vice chairman ng Committee on Constitutional Reforms ng Kamara, sinabi niya na sa Hilagang Luzon ay napili nila ang Isabela na pagdausan ng public hearing sa pag-amyenda ng Saligang batas.
Tatanungin nila ang mga gobernador, mga kongresista at mga mayor kung gusto nilang maamyendahan ang Saligang Batas ng bansa.
Ayon kay Congressman Albano, para sa kanya ay kailangan nang maamyendahan ang Saligang batas dahil sa loob ng 30 ay hindi pa ito nagagawa.
Isa aniya sa kanilang isusulong ang pagdaragdag ng taon ng panunungkulan ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan para magkaroon ng substantial political, infrastracture, economic at social gains ang pamahalaan.










