--Ads--

CAUAYAN CITY- Pumanaw na si LPGMA Party List Representative Rodolfo “Rudy” Albano Jr.  sa edad na 85 matapos makaranas ng heart failure.

Ito ang kinumpirma mismo sa Bombo Radyo Cauayan ng kanyang anak na si Isabela Governor Rodolfo “Rodito” Albano III.

Isinugod ang mambabatas sa Cardinal Santos Hospital dahil sa kanyang sakit ngunit binawian ng buhay gabi ng November 5, 2019.

Nakaburol ang kanyang labi sa Heritage Park Chapel sa Taguig City at magkakaroon ng funeral service sa House of Representatives sa araw ng Huwebes.

--Ads--

Iuuwi sa Isabela ang  labi ni Cong. Rudy Albano  sa darating na araw ng Sabado at pansamantalang ibuburol sa Provincial Capitol ng Isabela bago iuwi sa kanilang tahanan sa Cabagan, Isabela.

Kaugnay nito ay humiling din ng panalangin para sa  kanyang ama si Cong. Antonio Albano ng 1st  district ng Isabela.

Si Atty. Rudy Albano ay unang naglingkod na mayor ng Cabagan, Isabela bago nahalal ng maraming termino bilang kongresista ng 1st district ng Isabela.