--Ads--

CAUAYAN CITY– Hindi makapaniwala ang anak ng overseas filipino worker sa bansang Oman na magagawa nitong kitlin ang kanyang  sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  kay Mark Anthony Laman sinabi niya na sa pamamagitan ng Bombo Radyo Cauayan ay nalaman nila ang nangyari sa kaniyang ina na si Gng.Analiza “Analyn” Laman Cagurangan

Sinabi niya na  huli silang nag-usap  ng ina nitong  nakaraang araw, tinanong pa ng  ina kung natanggap na nila ang  padala niyang pera para sa kanila.

Samantala, naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G.  Fernando Molina Cagurangan, asawa ni Analiza,  sinabi niya na pitong buwan pa lamang na nagtratrabaho si  Analiza sa Oman.

--Ads--

Matagal na rin umano silang nagpasyang mag-asawa  na maghiwalay ng landas.

Kanyang idinagdag na   matagal  na rin silang walang ugnayan ng dating misis  matapos ang kanilang paghihiwalay.

Sa ngayon aniya ay   pinayuhan siya ng OWWA na Makipag ugnayan sa  DFA upang maasikaso ang pagpapauwi sa labi ng OFW .

Tinutulungan na rin sila ng pamahalaang lokal ng San Mariano at maging ang tanggapan ng DOLE upang maiuwi ang labi ng kanyang asawa.

Tinig ni G. Fernando Molina Cagurangan

Ang pagpapakamatay ng biktima ay kinuhanan pa niya ng video.