--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpahayag ng taus pusong pasasalamat si Cong. Antonio  “Tonyper” Albano ng 1st district  ng Isabela sa mga nakiramay sa kanilang pamilya kasunod ng pagpanaw ng kanyang Ama na si LPGMA Representative   Rodolfo Albano Jr. dahil sa sakit sa puso.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng kongresista  na napagkasunduan nilang magkakapatid na ibuburol ang  labi ng kanilang ama sa Heritage Park sa Taguig.

Balak din nilang iuwi  sa  Cabagan,Isabela ang labi ng kanilang ama sa araw ng Sabado o Linggo.

Bukas, araw ng Huwebes  ay nakatakda ang Necrological service sa House of Representatives upang  mabigyan ng pagkakataon ang mga kapwa kongresista at ilang  VIP  para sa kanilang  eulogy sa yumaong LPGMA Representative.

--Ads--

Kaugnay nito ay hinihintay na lamang ng pamilya Albano na pormal na maihayag ang hahalili sa nabakanteng pwesto ng kanilang ama kung saan si  Atty. Allan Ty   na  2nd Nominee ang nakatakdang humalili sa  posisyon.

Tinig ni Cong. Antonio Albano ng Isabela

Tinyak naman ni Cong.  Tonypet Albano  na sa kabila ng pinagdadaanan ng kanilang  pamilya ay hindi maapektuhan ang kanilang trabaho sa kamara bilang isang kongresista.