CAUAYAN CITY – Pinaghahanap ang isang lalaki na sumunog sa kanilang bahay at mga gamit sa loob ng kanilang bahay sa barangay Faustino, Cauayan City.
Ang suspek ay si Roel Vergado,nasa tamang edad at residente ng nasabing barangay.
Tinatayang aabot sa dalawampong libong piso ang halaga ng mga gamit na nasunog habang ilan ding bahagi ng nasunog.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay FO1 Melvin Malicad, investigator on case, sinabi niya na agad silang tumugon matapos matanggap ang tawag hinggil sa naganap na sunog sa nasabing barangay.
Nasa impluwensiya umano ng alak nang sunugin ni Vergado ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay. mabilis na kumalat ang apoy at nasunog ang iba pang
Unang nagbanta ang suspek na susunugin ang kanilang bahay matapos bigong mahimok ang misis na umuwi na makaraang magkanlong sa bahay ng kanyang biyenan dahil sa takot sa kanyang asawa na nanggugulo at nananakit kapag nasa impuwensiya ng alak.












