--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagsagawa ng emergency meeting ang Prov’l. Gov’t.   para mapaghandaan ang bagyong Ramon na inaasahang tatama sa kalupaan ng Isabela o Aurora  sabado ng umaga.

Pinangunahan  ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ang isang emergency meeting para sa pagbabantay sa inaasahan  posibleng pagtama ng tropical storm Ramon.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng mga kasapi Philippine Army, PNP, DSWD, BFP, DILG, PAGASA at ilang  depatment heads ng provincial government ng lalawigan ng Isabela.

Napag-usapan sa nasabing pagpupulong ang latest forecast sa lagay ng sa pamamagitan ng Chief Meteorolist Ramil Tuppil ng PAGASA DOST na nakahimpil sa Echague, Isabela.

--Ads--

Nakatalakay din sa pagpupulong ang kanselasyon ng mga klase kung kinakailangan .

Kaugnay nito ay  tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang kahandaan sakaling manalasa ang bagyong Ramon