--Ads--

CAUAYAN CITY– Tinutugis na ang isang mister na pumatay sa kanyang misis na  isang OFW  sa Dipusu,San Mariano.

Ang biktima ay Mylene Baingan ,34 anyos, residente  ng san Francisco Benito Soliven Isabela habang ang  suspek  ay ang asawang   si  Melchor Baingan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Frediemir Quitevis,  ng San Mariano Police Station,  sinabi niya na kauuwi ng biktima mula sa Saudi Arabia kahapon ngunit sa halip na dumiretso sa kanilang bahay sa Benito Soliven ay tumuloy  sa bahay ng kaniyang mga magulang sa Dipusu, San Mariano.

Nanindigan siyang makipaghiwalay na sa kanyang mister nang sunduin  siya para umuwi  sa kanilang bahay sa Benito Soliven.

--Ads--

May hinanakit umano ang ginang sa kanyang mister dahil  nilustay ang  mga perang ipinapadala para  sa pagpapagawa ng kanilang bahay.

Natagpuang  duguan si Mylene Baingan sa loob ng kaniyang kwarto na may saksak sa leeg na sanhi ng kanyang pagkamatay

Tinig ni PMaj. Frediemir Quitives, hepe ng PNP San Mariano

Nakita ng ina ng biktima na tumatakbong palayo  ang asawa ng anak matapos ang pangyayari.