CAUAYAN CITY, ISABELA – Dinis-armahan ang apat na pulis na nasangkot sa “hulidap” sa Gattaran, Cagayan matapos na marelieved sa kanilang pwesto sa Gattaran Police Station.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCol. Ariel Quilang, OIC Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office na restricted sa Police Regional Office 2 ang apat na police na may ranggong sergeant at corporal habang sila ay isinasailalim sa karagdagang imbestigasyon.
Nagpasya anya ang barangay kapitan na kanilang hinuli na sampahan ng kasong robbery ang apat na pulis bukod pa sa kakaharaping administrative case .
Aniya, inaalam narin nila kung matagal nang ginagawa ng nahuling apat na pulis ang naturang illegal na aktibidad.
Nag ugat ang pagkakahuli ng apat na pulis matapos silang magsagawa ng entrapment operation kapitan ng barangay dahil sa pag-iingat umano ng hindi lisensiyadong baril.
Hindi umano idineklara ng mga pulis ang nasamsam sa nasabing barangay kapitan na motorsiklo, maging ang kanyang sapatos at ang nakuhang pera sa operasyon.










