CAUAYAN CITY – Pahirapan na ang pag-alam sa kalagayan ng mga mamamayan sa Isla ng Calayan sa Cagayan na naapektuhan ng bagyong Ramon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCol Ariel Quilang, OIC Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) na kabilang ang bayan ng Calayan sa mga pinagtutuunan nila ngayon ng pansin bukod sa Sta. Ana, Cagayan kung saan naglandfall ang bagyo.
Bago pa aniya tumama sa kalupaan ang bagyong Ramon ay nawalan na ng koryente ang Calayan at mahirap ngayon ang linya ng telekomunikasyon.
Bago tumama ang bagyo ay Isinagawa ang forced evacuation sa mga bayan ng Santa Ana, Aparri, Claveria, Abulog at Lallo, Cagayan.
Ayon kay PCol Quilang, nagbigay na ng relief goods ang mga kasapi ng Cagayan Police Provincial Office sa mga inilikas na mamamayan na naapektuhan ng bagyong Ramon.