--Ads--

CAUAYAN CITY – Umamin na dati nang gumagamit ng illegal na droga ang naaresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station na isa sa kanilang nasa Directorate for Intelligence List sa isinagawang drug buy bust operation sa Alicaocao, Cauayan City.

Ang inaresto na si Arthur Valino, 23 anyos, binata, construction worker ay inaming napag-utusan lamang siya habang ang isa pang nadakip na kasama ni Valino na si Jerson Elmido ay newly identified drug personality, 23 anyos, binata kapwa residente sa nasabing barangay.

Una rito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng pulisya sa isinasagawang drug transaction ng dalawa at nakabili ang poseur/buyer ng mga pinatuyong dahon ng marijuana sa mga suspek.

Nasamsam din sa dalawa ang 1,000 pesos na drug buybust money, dalawang cellphone at isang motorsiklong ginagamit sa kanilang transaksiyon.

--Ads--

Ang mga suspek na nasamsaman na pinatuyong dahon ng marijuana ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, inihayag ni Barangay Kapitan Teresa Bual ng Alicaocao, Cauayan City na matagal na niyang binalaan si Valino na itigil na ang pagbebenta ng illegal na droga.