CAUAYAN CITY– Inaresto ang 19 na lalaki ng pinagsanib na puwersa ng Phil drug enforcement agency region 2, MASAMASID at City of Ilagan Police Station sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation sa Sta. Barbara Ilagan City.
Inaresto ang suspek na si Kelvin Aggari, residente ng Guibang, Gamu Isabela.
Nakabili ang isang posuer buyer sa suspek ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa tatlong natiklop na papel.
Nasamsam din kay Aggari ang Php300.00 drug buy bust money, isang bala ng Cal. 38 at isang cell phone.
Inamin ng suspek na gumagamit siya ng droga ngunit mariing itinatanggi na sa kanya galing ang mga nasamsam na mga dahon ng marijuana.
Nasa pangangalaga na ng City of Ilagan Police Station ang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002) laban sa kanya.











