--Ads--

CAUAYAN CITY –  Binanatan ng pamunuan ng 502nd Infantry Brigade Philippine Army at tinawag na sinungaling ang nagpapakilalang tagapagsalita ng Reynaldo Pinion Command (RPC) New people’s Army na si Vic Balligi.

Ito ay dahil sa ipinalabas nitong pahayag na hindi mga NPA kundi mismong ang tropa ng 95th Infantry Battalion Philippine Army ang nagkasagupaan dakong 11 ng gani noong November 25, 2019 sa pagitan ng Ara, Benito Soliven, Isabela at Devera, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay BGen Lawrence Mina, commander ng 502nd IB, binigyang-diin niya na dapat  hindi Balligi ang apelyido ni Vic kundi “napaay” (bigo) o “ulbod” (sinungaling) dahil sa mga ipinapalabas na kasinungalingan.

Ang tinig ni BGen. Lawrence Mina

Ipinaliwanag ni Mina na ang nakasagupa ng mga miyembro ng 95th IB ay ang grupo ng Regional Sentro De Gravidad (RSDG) na may platoon uno at dos. 

--Ads--

Ang Platoon Uno na pinamumunuan ni Ka Brad ang nakasagupa ng mga sundalo sa barangay Ara hababng ang Platoon Dos ay kumikilos sa San Guillermo, Isabela.  

Ang may-ari ng nabawing baby armalite na maraming dugo ay kay Ka Levy, Political Instructor ng RSDG na dating Secretary ng grupo ni Vic Baligi. Siya ay dating asawa ni alyas Ka Bang na asawa ngayon ni Ka Brad.

Ang isa pang baby armalite na marami ring dugo ay kay Ka Desa, Giyang Politikal ng RSDG na asawa ni Ka Brown.

Ang isang M14 armalite rifle  ay  hawak ng isang Agta na squad leader ng RSDG.

Ang baril na ito ay kay Ka Justine na nagbalik-loob na sa pamahalaan na  malapit na umanong maging sundalo.

Ayon  kay BGen Mina, naniniwala sila na nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang mga may-ari ng mga baril dahil sa maraming bakas ng dugo sa pinangyarihan ng sagupaan.

Ang tinig ni BGen Lawrence Mina