--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit 300 na ektarya ng maisan ng mahigit 500 magsasaka sa City of Ilagan ang napinsala sa mga nagdaang tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Sarah.

Ang mga magsasakang napinsala ang mga pananim ay mula sa 22 na barangay sa Lunsod ng Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni City Agriculturist Moises Alamo na umabot sa mahigit 85 ektarya ng maisan ang totally damaged o hindi na maaaring pakinabangan.

Umabot naman sa mahigit 200 na ektarya ang partially damaged at maaring pang lumaki ang mga tanim na mais.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Alamo, maraming nasirang pananim na mais dahil bagong tanim ang mga ito at naitanim sa mga lugar na madaling mabaha kapag tuluy-tuloy ang pag-ulan.

Para makatulong sa mga maliliit na magsasaka ay nagpamahagi ang City of Ilagan Agriculture Office ng mahigit 6,000 bags ng hybrid corn seeds, 8,711 bags ng hybrid seeds ng palay at 500 bags ng pataba na may kabuoang halaga na 39.8 million pesos.

Patuloy ang monitoring ng mga kawani ng City of Ilagan Agriculture Office para maitala ang pinal at kabuuang halaga ng mga napinsalang panananim na mais sa nasabing lunsod.

Ang tinig ni City of Ilagan Agriculturist Moises Alamo