CAUAYAN CITY– Dinala ng isang brgy tanod ang isang lalaki sa City Of Ilagan Police Station matapos maaktuhan sa pagnanakaw ng papaya sa bakuran ng isang bahay sa Brgy. Baligatan City of Ilagan.
Ayon sa salaysay ng biktima, ilang ulit na umanong niyang naaaktuhan ang suspek na pumapasok sa kanilang bakuran na kanya namang pinagsasabihan.
Ngunit umulit ang suspek at naaktuhan mismo ng misis ng biktima kayat kanyang kinunan ng video at larawan ang pinaghihinalaan habang inaakyat at nagnanakaw ng kanilang papaya.
Aminado naman ang suspek at nagawa umano niyang mamitas ng papaya sa bakuran ng biktima dahil kusa umanong tumubo ang mga nasabing prutas sa bakuran ng nagrereklamo.
Kanya pang sinabi na ang kinukuhang papaya ay ibinebenta sa pelengke.
Ayon naman sa mga kasapi ng City of Ilagan Police Station labas pasok umano sa kulungan ang pinaghihinalaan dahil sa reklamong pagkuha ng labong sa bakuran ng isa pang biktima maging ang pagnanakaw ng ilang kagamitan.
Desidido naman ang may-ari ng compound kung saan nagnakaw ng papaya na sampahan ng kasong tresspassing ang suspek.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawang sako ng papaya na kanyang ninakaw












