--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang sundalo ang namatay habang dalawa ang nasugatan matapos maka-engkuwentro ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Villa Rey, Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th Infantry Division Phil. Army na nagkakaroon ng focus military operations ang mga kasapi ng 86th Infantry Battalion Phil. Army dahil sa presensiya ng mga rebeldeng gumagawa umano ng extorsion sa mga mamamayan sa barangay Villar Rey, mga kalapit na barangay San Carlos at Madadamian.

Sa pagtungo ng mga sundalo sa nabanggit na lugar ay nagkaroon ng engkuwentro na nagresulta ng isang killed in action at 2 wounded in action.

Tinig ni Major Noriel Tayaban, spokesman ng 5th ID Phil. Army

Sinabi pa ni Major Tayaban na maaring ginagawa ng mga rebelde ang pangingikil para may magamit sa kanilang nalalapit nilang founding anniversary.

--Ads--